PANGKAPALIGIRAN 1 - Topograpiya
Semi-Detalyadong Planong Leksyon sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika (HEKASI)
Ikaanim na Grado
I. Kasanayan sa Pagkatuto
1. Nakikilala ang mahahalagang anyong lupa at anyong tubig ng bansa.
2. Naipakikita ang paghanga sa magagandang anyong tubig at anyong lupa na bumubuo sa hangganang sakop ng Pilipinas.
3. Nagagamit nang wasto ang mapa sa paglalarawan ng topograpiya ng Pilipinas.
II. Paksang-leksyon: Topograpiya
Integrasyon:
• EKAWP: Pangangasiwa ng Pinagkukunang-Yaman
Sanggunian:
• Batayang Aklat sa Hekasi 6, Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, pp. 74-78
• Smart/DOT “Summer Biyahe Tayo” http://youtube.com/watch?v=zZtynrZzPz4
Mga Kagamitan:
• mapang pisikal ng Pilipinas
• projector
• computer na may internet connection (o computer at kopya ng TV ad)
III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Ipapanood ang TV ad na “Summer Biyahe Tayo” ng Smart at DOT.
2. Hayaang kilalanin ng mga bata ang bawat anyong lupa at anyong tubig na bumubuo ng topograpiya ng bansa.
3. Pag-usapan ang nilalaman ng TV ad.
4. Itanong: Paano napakikinabangan ng gobyerno ang mga likas na yaman ng bansa?
B. Mga Gawain sa Pagdevelop ng Leksyon
1. Ilahad ang mapang pisikal gn Pilipinas.
2. Ipahanap sa mapang pisikal ang mga bundok, bulkan, talampas, at lambak. Ipalarawan at ipahambing ang mga anyong lupa.
3. Ipaturo at ipatukoy ang mga bahaging nagpapakita ng mahalagang anyong tubig gaya ng dagat, lawa, at ilog. Ipalarawan at ipabigay ang pagkakaiba ng bawat isa.
4. Ipapanood muli ang TV ad, kung kinakailangan, at pag-usapan ang kahalagahan ng topograpiya sa bansa.
5. Ipaugnay ang topograpiya ng bansa sa pamumuhay ng mga tao.
C. Pangwakas na Gawain
1. Bumuo ng apat na pangkat. Papiliin ng isang rehiyon sa mapa ang bawat pangkat na maaari nilang pag-aralan. Pabigyang-diin sa gagawing pag-uulat ang topograpiya ng lugar na pinag-aralan.
2. Magkakaroon ng isang kunwaring paglalakbay sa iba-ibang rehiyon na gumagamit ng mapang pisikal. Hayaang magkaroon ng kasanayan ang mga bata na maisa-isa ang mga anyong lupa at anyong tubig na madaraanan sa paglakbay.
IV. Pagtataya
1. Hikayatin ang klase na basahin at ipaliwanag ang mga pahayag sa Isipin Muli at Tandaan sa pahina 78.
Source : lessonsplantvads.blogspot.com
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento