Huwebes, Oktubre 2, 2014

Content Of My Lesson Plan

TOPOGRAPIYA

Ang TOPOGRAPIYA, ito ay ang masusing pag-aaral ng anyo o hugis ng isang bansa.

 

 

ANYONG LUPA   

Ang anyong lupa o pisikal na katangian ay binubuo ng isang heomorpolikal na yunit, at kadalasang nagkakaroon ng kahulugan sa kanyang anyo sa ibabaw at lokasyon sa tanawin, bilang bahagi ng kalupaan, at dahil sa katangiang iyon, kinakatawan ang isang elemento ng topograpiya.

 

HALIMBAWA NG URI NG ANYONG LUPA 



BUNDOK

 Isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas kaysa sa burol


KAPATAGAN

Isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay.



LAMBAK 

Isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito.




ANYONG TUBIG

Ang anyong tubig ay ang anumang makahulugang pag-ipon ng tubig, kadalasang tinatakpan ang daigdig.

 

HALIMBAWA NG URI NG ANYONG TUBIG 

 

 

BUKAL

Tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.



ILOG

Isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat.


LAWA
Isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa.




Ipapanood ang TV ad na “Summer Biyahe Tayo” ng Smart at DOT.






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento